vice-ganda-448x500

MAY kuwento kung bakit nabanggit ni Bimby Aquino Yap ang pangalang Kevin nang sabay silang mag-guest ni Vice Ganda sa The Buzz last Sunday. Hottest topic sa lahat ng dako na ibinuking si Vice ni Bimby.

Si Kevin ay PBA basketball player ng Talk and Text team. Nakilala umano ni Bimby si Kevin sa pamamagitan ng chat o messeging app na We Chat kung saa’y may group chat si Vice at ang kanyang mga kaibigan.

“Hindi ko dyowa si Kevin. Hindi ko inilalabas ang boyfriend ko,” ani Vice, dahil natuto na raw siya sa kanyang past relationships.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Pero hindi lang si Kevin ang nabilad sa guesting niyang iyon kundi pati na ang diumano’y tampo ni Toni Gonzaga sa kanya.

“In-assume ko lang na nagtatampo si Celestine (Toni),” na napansin daw niya na dinidedma siya noong nagpapraktis ito at si Alex para sa Christmas special ng ABS-CBN.

Nauna rito ang pahayag ni Toni na bahagya itong nasaktan dahil ipinarating ni Alex na, “waley ka na (Toni) raw simula nang dumating ako (Alex) dahil funnier ako,” na sinabi raw ni Vice.

Ang paliwanag ni Vice sa The Buzz, hindi ganoon ang kanyang pagkakasabi. Ang sinabi niya kay Alex ay, “Funny ka rin pala, at baka in the coming years, eh, baka mas mag-drama na lang si Toni dahil baka mag-give way na siya sa ’yo sa comedy.”

Kuwento pa ni Toni kay Vice, itinanong niya sa kanyang boyfriend na si Direk Paul Soriano at sa kanyang mommy kung totoong “waley” na siya. Siyempre pa, lumalabas na na-misinterpret lang ni Toni ang mga biru-biruan nina Vice at Alex.