James-Harden-318x500

HOUSTON (AP) – Hindi inaamin ni James Harden na iniisip niya ang nagdaan season sa pakikipagharap ng Houston sa Portland sa unang pagkakataon mula nang mapatalsik ng Trail Blazers ang Rockets mula sa playoffs sa unang round.

Sigurado si Dwight Howard na ito ang ginawa ng kakampi.

‘’I know it’s kind of like a weight off his back because of what happened in the playoffs against Portland,’’ sambit ni Howard. ‘’And (Monday) he just destroyed them.’’

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Naitala ni Harden ang season-high na 44 puntos upang tulungan ang Rockets na sungkitin ang 110-95 na panalo upang putulin ang kanilang two-game skid.

‘’Last year, nah. What happened the last two games,’’ sagot ni Harden nang tanungin kung mayroon siyang paghihinanakit dahil sa maaga nilang playoff exit. ‘’Two losses at home is unacceptable, so we wanted to come out here and not make it a third.’’

Naglaro ang Trail Blazers na wala ang leading scorer at rebounder nilang si LaMarcus Aldridge, na sumala sa laro dahil sa isang upper-respiratory illness, at nakitang matapos ang kanilang five-game winning streak.

‘’Defensively we didn’t give much resistance in the first half and they took advantage of that,’’ sabi ni coach Terry Stotts. ‘’Offensively we turned the ball over too much and really weren’t able to mount any kind of legitimate comeback.’’

Gumawa si Harden ng 31 sa first half upang tulungan ang Rockets na burahin ang maagang eight-point deficit at kunin ang 20 puntos na abante sa halftime. Hindi na nagtangkang muli ang Blazers matapos nito at naupo na lamang si Harden may apat na minutong nalalabi at tangan ng Houston ang 107-86 na bentahe.

Ito ang ikatlong NBA-leading 40-point game ni Harden ngayong season, at lahat ng ito ay ngayong buwan nangyari. Si Harden, na nangunguna sa NBA sa scoring, ay mayroon nang 11 laro kung saan nakagawa siya ng 30 o higit pang puntos, na nangunguna rin sa liga.

‘’He played really well,’’ ani coach Kevin McHale. ‘’That was about as much juice and energy that we’ve played with in a long time.’’

Pinangunahan ni Damian Lillard ang Portland sa kanyang 18 puntos habang nagdagdag naman si CJ McCollum ng 17.

Resulta ng ibang laro:

Charlotte 110, Denver 82

Chicago 129, Toronto 129

Utah 97, Memphis 91

Atlanta 105, Dallas 102

San Antonio 125, LA

Clippers 118

Golden State 128,

Sacramento 108