John-Estrada-copy-383x500

MATATANDAAN na nagpahayag ng sama ng loob si Jake Cuenca nang matalo siya bilang best supporting actor sa PMPC Star Awards for Television last month. Tinalo siya ng kasamahang aktor sa Ikaw Lamang, ang seryeng lumikha ng kakaibang record sa mundo ng television, si John Estrada.

Nagbigay naman agad ng reaksiyon si John sa mga pahayag ni Jake. Naiintindihan niya ang pagkadismaya ng huli. Dagdag pa ni John, sobrang naintidihan niya ang kapwa aktor lalo na’t humanga rin naman siya sa sobrang galing na ipinakita ni Jake sa serye nila.

Pero ang payo ni John kay Jake, dapat ay huwag umasa ang aktor para hindi makaramdaman ng sakit kapag natatalo ito.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Ang sa akin lang, eh, magaling naman talaga siya. May karapatan siyang manalo, pero sana ‘wag siyang umasa para hindi masaktan dahil sa dami ng magagaling at bigating nominado ay hindi ka nga makakasigurado na ikaw na ang mapipili nilang winner,” sey ni John sa amin.

Lahad pa ng premyadong aktor, sa lahat ng pagkakataon na napasama siya sa anumang nominasyon ay hindi siya umaasa na manalo. Pero masuwerte rin naman si John dahil dalawang beses na siyang nagwagi sa PMPC Star Awards for TV.

Naging best actor na rin si John Estrada at lately nga ay tinanghal siya bilang best supporting actor para sa Ikaw Lamang.