Likas na makunat ang akong esposo. kapag Pasko, literal na nagkukulong siya sa aming silid at nagbibili siyang “kapag may naghanap sa akin, sabihin mo lumabas ako may binili. Kapag nagtanong pa kung kelan ako babalik, sabihin mo hindi mo alam.” At gusto pa niya akong magsinungaling sa kanyang mga inaanak. Ito ang isa sa mga kinaiinisan ko sa kanya na tinitiis ko na lamang huwag manatili ang kapayapaan sa aming samahan bilang mag-asawa. Narito pa ang ilang halimbawa kung paano maiiwasan na magbangayan kayong mag-asawa sa panahon ng Pasko:
Ang ugat ng pag-aaway: Magkaiba ang pananaw ninyong mag-asawa sa pagbibigay ng regalo. Nais ng asawa mo na gumastos nang malaki habang nagsisikap ka namang makapagbayad ng sarili mong utang.
Paano maiiwasan na magsampalan kayo: Hilingin mo ang tulong ng iyong asawa sa pag-iisip ng mura ngunit makahulugan na regalo. Gawin mong isang challenge para sa kanya na sa katiting na pera, anu-anong maaaring iregalo nang hindi mahahalatang mura lamang iyon. Sa ganoong paraan, mapananatili mo ang iyong programa sa pagbabayad ng iyong utang habang ginagamit naman niya ang kanyang talent sa pagkakaroon ng solusyon sa challenge na ibinigay mo.
Ugat ng pag-aaway: alam ng iyong mother-in-law kung anong sasabihin sa iyon upang umakyat sa mga pulang guhit ang barometro ng iyong galit. At kapag napagsalitaan mo siya, aawayin ka naman ng iyong asawa.
Paano iiwasan na magbarilan kayo: Bago kayo magpunta sa bahay ng iyong mother-in-law, sabihin mo na agad sa iyong asawa ang mga bagay na sasabihin nito na magpapagalit sa iyo (mga pagbatikos sa kung paano mo inaalagaan ang kanilang apo, o kung bakit hindi ka pa napo-promote sa trabaho), at pagkatapos magpasya kayo sa kung anong mga hudyat mo sa iyong asawa – halimbawa, pangungulangot o pagtatanggal ng dumi sa kuko – na malapit ka nang magalit sa iyong biyenan. sa hudyat mo, gagawa naman ng paraan ang iyong asawa upang alisin ka sa harap ng kanyang ina, tulad ng pag-iiba ng paksa ng usapan.
Tatapusin bukas.