CANDON CITY, Ilocos Sur – Dalawang bata ang namatay makaraang malunod habang lumalangoy sa baybayin ng Barangay Samara sa Agoo, La Union nitong Linggo.

Kinilala ng pulisya ang mga nasawi na sina Howard Waya, 11; at Zoren Wagtingan, 8, kapwa taga-Baguio City.

Nabatid na bago ang insidente ay pinili ng pamilya ng mga biktima na sa beach mag-Christmas party at matapos magtanghalian ay namataan ang pagtakas ng dalawa para lumangoy.

Gayunman, natangay ng malakas na agos ng tubig ang dalawa at nalunod.

'May milyonaryo ulit!' Lone bettor, wagi ng ₱15M sa Super Lotto 6/49!