Sa panahon ng Pasko, maraming bagay ang nagbibigay-kulay, kahulugan at nagpapatingkad sa okasyon. Mababanggit na halimbawa ang mga awiting pamasko na nagpapagunita ng pagsilang ng Dakilang Mananakop nang Siya’y isilang sa isang hamak na sabsaban sa Bethlehem. Setyembre pa lamang sa mga radio station maririnig na ang mga awiting pamasko kasabay ang Christmas countdown.
Isa sa mga Christmas carol na madalas na ipinaririnig ay ang “Silent night” na masasabing pinakatanyag at imortal na awiting pamasko. Mula ito sa isang tula sa wikang alemen na ang pamagat ay “Stille nacht, Heilige nacht”. Sinulat ni Father Joseph Mohr noong 1816. May apat na saknong ang tula. nilapatan ng musika ng music composer na si Franz Zaver Gruber. Unang inawit sa misa sa bisperas ng Pasko noong Disyembre 24,1818 sa Saint nicholas Church sa Oberndorf, austria. Ang nagsalin sa ingles ng una at ikatlong saknong ay si John Freeman Young noong 1863, isang Episcopal Bishop sa Diocese ng Florida,USA. Hindi naman kilala ang nagsalin ng ikalawa at ikaapat na saknong. May 330 salin na sa iba’t ibang wika. ang himg sa inuulit na huling linya ng mga titik ng Silent night ay may himig lulay o pampatulog ng bata.
Ang malumanay na himig at mga titik ng “Silent night” ay nagpapagunita ng unang Pasko sa Bethlehem Sa mga nakarinig nito na may taglay na galit at poot sa dibdib, ay may hatid na kapayapaan. Haplos naman ng lamig at hinahon sa may poot at nagpupuyos na damdamin. at sa mga mapagmataas at mapang-api, ang “Silent night” ay nagaatas ng kababaang-loob at pagmamahal sa kapwa. Sa mga ina na may anak at mahal; sa buhay na nasa ibang bansa, ay magkahalong saya at lungkot Kasunod ang lihim o hindi mapigil na pagluha sapagkat hindi sila kapiling sa pagdiriwang ng Pasko. At sa ilang kababayan natin, nagbabalik-alaala ng kanilang nakalipas
na gunita ng Pasko.
Ang “Silent night” ay bahagi ng mga inareglo na mga tugtuging pamasko ng american music composer na si Leroy andreson na may pamagat na “Christmas Carol Festival”. Sa Pilipinas, ang “Silent night” ay imortal at kasama rin sa isinaayos na dalawang mga tugtuging pamasko ng national artist na si Maestro Lucio San Pedro. May pamagat na “Christmas Memories” at “Christmas Carol” na laging tinugtog ng banda ng musiko sa idinaraos na Christmas concert sa angono, Rizal.