Disyembre 21, 1983 nang tapusin ng Indiana Pacers ang kanilang 28 magkakasunod na pagkatalo nang may isang puntos na lamang sa Denver Nuggets.

Naging gitgitan ang laban ng dalawang koponon, ngunit nanalo ang Pacers sa iskor na 133-132.

Naging maganda ang laro ng scoring machine at forward ng Nuggets, ang Hall of Famer na si Alex English, na may 34 na puntos, ngunit hindi ito naging sapat upang mapigilan ang kalamangan ng Pacers.

Umasa ang Pacers sa kanilang sorpresang pambato na si Kevin McKenna, na nagambag ng 21 puntos. Habang nagdagdag naman ng 20 puntos ang kanilang point guard na si Jerry Sichting.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Isa ang Indiana Pacers sa apat na koponan mula sa American Basketball Association (ABA) na naging miyembro ng National Basketball Association (NBA).