LONDON (AP)– Napili sina Novak Djokovic at Serena Williams bilang world champions ng International Tennis Federation para sa 2014.

Napanalunan ni Djokovic ang taunang award sa ikaapat na pagkakataon, habang ikalima naman ni Williams.

Nagkampeon si Djokovic sa Wimbledon para sa kanyang ikapitong titulo sa Grand Slam at mabawi ang No. 1 ranking, habang ang kanyang panalo sa U.S. Open ang nagbigay kay Williams ng kanyang ika-18 major championship at nanatiling No. 1 sa kabuuan ng taon.

Sina Bob at Mike Bryan ang nakakuha ng men’s double award sa ika-11 pagkakataon sa loob ng 12 taon, habang sina Sara Errani at Roberta Vinci ng Italy ang nakasungkit ng women’s double sa ikatlong sunod na beses.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Si CiCi Bellis ng United Staes at Andrey Rubley ng Russia ang pinangalanang junior world champions, habang sina Yui Kamiji at Shingo Kunieda ng Japan naman ang wheelchair champions.