Umangat sa pangkalahatang ikalimang puwesto ang Team UAAP-Philippines matapos ang aksiyon noong Miyerkules sa ginaganap na 17th ASEAN University Games sa Palembang, Indonesia.

Ito ay nang humakot ng tatlong gintong medalya noong Disyembre 17 ang swimming at athletics upang iangat ang kabuuan nilang medalya sa 8 ginto, 6 pilak at 7 tanso para sa kabuuang 21 medalya.

Mayroon na ang Pilipinas na 4 ginto, 4 pilak at 4 tanso sa taekwondo habang may 3 ginto, 1 pilak at 1 tanso sa swimming. Nakapagwagi rin ito ng 1 ginto, 1 pilak at 1 tanso ang athletics at 1 tanso sa indoor volleyball.

Ang nakapag-uwi ng gintong medalya ay sina Ernest Obiena sa men’s pole vault sa athletics, Jessie Khing Lacuna sa men’s 200m freestyle (swimming), Hannah Dato sa women’s 50m at 100m butterfly (swimming), sina Rodolfo Reyes Jr. at Jocel Ninobla sa mixed pair poomsae, Shiryl Badol sa women’s under 53kg., Francis Aaron Agoho sa men’s under 58kg at Aries Capispisan sa men’s Under 80kg. sa taekwondo.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Humablot naman ng pilak si Denjylie Corder sa women’s 200m breaststroke (swimming), Janry Ubas sa men’s long jump sa athletics at sina Benjamin Keith Cembrano sa men’s under 68kg., Korina Paladin sa women’s under 46kg., Arven Alcantara sa men’s under 63kg., at Ronnielette Balancio sa women’s under 49kg. sa taekwondo. May pilak naman sina Ariana Herranz sa women’s 200m backstroke (swimming) at Kenny Gonzales sa men’s javelin throw (athletics), gayundin si Juvy Crisostomo sa individual female poomsae, Rico Mella sa individual male poomsae, Joel Alejandro sa men’s under 74kg., at Juvy Crisostomo, Leonard Landtrito at Jo Ninobla sa female poomsae team sa taekwondo.

Binubuo naman nina Alyssa Valdez, Denden Lazaro, Ella De Jesus, Aerieal Patnogon, Marge Tejada, Julia Morado, Gizelle Tan, Michelle Morente, Kim Goquillana, Jhoanna Maraguinot, Bea de Leon at Therese Gaston ang women’s indoor volleyball na hinablot ang unang tansong medalya sa torneo.

Nanguna sa torneo ang Thailand na may natipong 34-17-13 kasunod ang Indonesia (28-45-22), Malaysia (19-19-26), Vietnam 14-3-0 at ang Pilipinas (8-6-7).