Nakapiit ngayon ang isang Marine officer at dalawang iba pa matapos madakip sa isang pot session ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Zamboanga City.

Kinilala ni PDEA Director General Arturo G. Cacdac, Jr. ang suspek ni si Sgt. Alfrenz Abidin, 32, isang intelligence officer ng Philippine Marines Corps na nakatalaga sa Western Mindanao Command at residente ng Barangay Tetuan,ZamboangaCity; atkasamahan nitong sina Nurfaina Dizon, 31, ng Jolo, Sulu, at Omarcayam Ibno, 26, ng Lower Calarian, Zamboanga City.

Si Abidin ay nasa PDEA watch list of wanted personalities na kumikilos sa siyudad.

Sa report ng PDEA, nagsagawa kamakailan ng operasyon ang mga operatiba ng PDEA Regional Office 9 (PDEA RO9) sa ilalim ni Director Joseph Ladip at Intelligence Division, Marine Battalion Landing Team 1 ng anti-illegal drug operation na nagresulta ng pagkakadakip ng tatlo habang nasa aktong bumabatak ng shabu sa loob ng isang Rose’s Transient House sa No. 36 Valor Street, Zamboanga City.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Nakumpiska mula sa mga suspek ang isang piraso ng aluminum foil na may shabu residue, isang pipa, tatlong pares ng gunting, isang cellophane na naglalaman ng mga transparent plastic sachet, dalawang lighter, isang rolyo ng aluminum foil at mga identification card.