Narito ang ikatlong bahagi ng ating artikulo na tumutugon sa tanong na “Kailan ka magmu-move on sa isang pawala nang relasyon?”. Narito pa ang ilang senyales na panahon na upang tapusin na ang relasyon. Maaari rin itong i-apply sa pagkakaibigan.

  • Kapag umaasa kang magbabago siya. - Kung pinananatili mo ang relasyon mo sa iyong kasintahan (o kaibigan) dahil umaasa kang magbabago siya (sa kanyang bisyo, ugali, pakikitungo sa iyo) nakikipagrelasyon ka sa maling dahilan. Pinipilit mong baguhin ang iyong partner upang lumapat ito sa gusto mo sa halip na tanggapin ang kanyang totoong pagkatao. at kahit magbago nga ang iyong partner, maghahanap ka ng iba pang bagay na ipababago mo sa kanya. Sa kakabago mo sa kanya, magiging anino mo siya kalaunan. Kapag ganito na ang situwasyon, pareho kayong hindi na lalago bilang mga indibiduwal. Panahon na upang kumalas ka na sa inyong ugnayan at mag-move on.
  • Kapag binibigyan mo ng katarungan ang kanyang kamalian. - May mga asal ang ating partner na labag sa ating paniniwala at prinsipyo na natitiis natin dahil sa pagmamahal. Kapag madalas ka nang binubugbog aa tuwing nalalasing ang iyong partner o madalas mo siyang nahuhuling nagdodroga, binigyan mo iyon ng katarungan, nabubuhay ka sa sarili mong daigdig ng mga pagkukunwari. Kapag madalas mo nang binibigyan ng katarungan ang kanyang mga kamalian, panahon na upang tapusin na ang inyong relasyon bago pa mabawasan ang iyong ngipin at katinuan.
  • Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

  • Kapag tumatanggap ka na ng maaanghang na salita. - Hindi talaga puwede ang bugbugan at murahan sa isang relasyon. Malinaw na mali ang relasyong pinasok mo kapag sa halip na matatamis na salita ang iyong maririnig mula sa iyong partner, matatalim at maaanghang na salita ang iyong tinatanggap. Kahit pa sabihin mong “bulaklak” lamang iyon ng kanyang bibig at pinalampas o ipinagkibitbalikat lamang niya ang kanyang mga sinabi laban sa iyo, mayroong kinikimkim itong issue na kailangan tugunan. Ngunit sumusugat ito ng damdamin at ang sugat na iyon ang pinakamatagal maghilom.

Tatapusin bukas.