justin timberlake

INIHINTO ni Justin Timberlake ang kanyang concert noong Linggo sa Barclays Center sa Brooklyn, N.Y., nang makuha ng isang 10 taong gulang sa audience ang kanyang atensiyon.

Matapos tanggapin ang regalo mula sa manonood, naging emosyonal ang singer sa mga pangyayari.

"You're 10, you've been watching me since you were two," pahayag ni Timberlake habang tumatawa. Nang buksan ang regalo, ito ay naglalaman ng bowtie, ang "Suit & Tie" singer ay napalunok nang umiyak ang bata.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Hey man, greatest gift ever," sabi ng singer. "Because a gentleman can never have too many bowties. ... I might have to wear that on Christmas day."

"I love you, kiddo," dagdag niya, bago magpahinga. "S*it, that got me."

Napabalitaang magiging ama na ang singer at ito ang maaring dahilan kung bakit siya naging emosyonal habang kaharap ang kanyang fan.

Gayunman, hindi pa kinumpirma nina Timberlake at ng kanyang asawa na si Jessica Biel. (Yahoo News/Celebrity)