MONCADA, Tarlac - Dahil sa lakas ng pagkakabundol ng motorsiklo sa isang tumatawid na ginang sa San Julian-Anao Provincial Road sa Barangay San Julian, Moncada, ay kapwa sila naospital ng driver ng motorsiklo noong Martes ng umaga.

Kinilala ni PO2 Clarito Tamayo ang mga biktimang sina Maura Daileg, 60, ng nasabing barangay; at Kherwin Almirol, 26, driver ng Honda TMX 155 motorcycle (QB-876), ng San Isidro, Bgy. Matindeg sa Pura.

Dakong 6:45 ng umaga at patungong kanluran si Almirol nang aksidenteng nabundol si Daileg habang tumatawid ang huli.
National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3