Naghahangad ang PhilCycling na mas mapalawig ang natamong tagumpay nila sa BMX ngayong 2014 sa pamamagitann ng pagpapalakas ng kanilang focus sa malalaking international competitions na naglalayong makapagbigay muli sa bansa ng slot para sa 2016 Olympics sa Rio de Janiero, Brazil.

Kaugnay nito, inatasan nina PhilCycling President Abraham Tolentino at Chairman Bert Lina ang mga kaanib sa federation board at mga pinuno ng iba’t- iba nilang commissions upang mas palakasin ang paghahanda sa ikaanim na edisyon ng Le Tour de Filipinas at Asian Championships para sa Road at Track na gaganapin sa Thailand sa Pebrero gayundin sa qualification races para sa BMX para sa Rio 2016 at Singapore SEA Games sa Hunyo.

Nakamit ng bansa sa cycling ang nag iisa nitong gold medal sa nakaraang 17th Asian Games noong Setyembre as Incheon,South Korea as pamamagitan no Daniel Caluag na nagpaplano namanv muling sumabak sa kanyang ikalawang Olympics kasunod nv 2012 London Games sa kanyang paglahok sa UCI-qualifying races sa 2015.

Nakahanay na rin ngayon sa kalendaryo ng PhilCycling ang ikalawang edisyon ng Asean MTB Cup na idaraos sa Cebu sa Pebrero 23 at 24.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Nananawagan din ang PhilCycling sa lahat ng mga race organizers—road, track, MTB, BMX, cyclo-cross at cycling for all (advocacy) na iparehistro ang kanilang mga events sa [email protected] kaugnay ng kanilang ginagawang pay upgrade ng kanilang 2015 calendar of events.