Pinataob ng Team UAAP-Philippines ang Singapore, 25-12, 25-9, 25-11, upang makapuwersa ng bronze medal match laban sa Malaysia sa ginaganap na 17th ASEAN University Games women’s volleyball sa Palembang, Indonesia.

Nagtala ng 11 puntos si reigning UAAP MVP Alyssa Valdez na kinabibilangan ng 3 service aces habang nagposte naman ng 10 puntos ang rookie na si Bea de leon para pangunahan ang nasabing panalo ng Lady Eagles.

Nag-ambag naman si Ella de Jesus ng 8 hits habang umasinta si Aerieal Patngongon ng 6 puntos para sa Team UAAP-Philippines.

Habang sinusulat ang balitang ito ay nakasalang na ang Lady Eagles laban sa Malaysia para sa bronze medal game.

57 kilos ng shabu na isinilid sa Chinese tea bags, nakumpiska sa pantalan sa Southern Leyte

Una nang tumapos sa eliminations ang koponan na may barahang 2-2 (panalo-talo) makaraang magwagi kontra sa Malaysia sa kanilang opening game at mabigo sa Thailand at Indonesia sa sumunod nilang mga laban.

Kapag nagkataon, ito ang unang podium finish ng bansa sa women’s volleyball sa isang international competition matapos na huling magwagi ng bronze medal ng national team noong nakaraang 2005 Southeast Asian Games na ginanap sa Bacolod City.

Habang sinusulat ang balitang ito ay mayroon nang naaning 4 gold, 4 silver at 3 bronze medals ang Team UAAP-Philippines sa nasabing kompetisyon sa pamamagitan ng kampanya ng taekwondo jins.