chito -neri

NAGANAP ang civil wedding ceremony ng controversial celebrity couple na sina Chito Miranda ng bandangParokya ni Edgar at Star Magic talent na si Neri Naig nitong nakaraang Sabado, isang araw bago ang kanilang garden wedding sa isang undisclosed venue sa Tagaytay City na nakaiskedyul kahapon. 

Base ito sa post sa Instagram (IG) ng Nice Print Photography, ang official photo studio ng prenuptial photos nina Chito at Neri. May eight seconds ding video post habang nagpapalitan ng “I do” ang magsing-irog. 

Sa IG post, nakasaad ang caption na, “Congratulations, Chito Miranda and Neri Naig! The celebrity couple married in a civil ceremony at Vask Restaurant in Taguig earlier, Dec. 13. @chitomirandajr and @little_lulu will have a garden wedding in Tagaytay tomorrow. From @niceprintphoto: “The newly weds Chito Miranda & Neri Naig-Miranda  #niceprintphotography #ChitoNeriHappyEnding #ChitoNeri”

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Matatandaang naging viral sa social media ang ginawang wedding proposal ng singer kay Neri nitong nagdaang Mayo sa isang private resort sa Batangas. 

Nag-set up si Chito ng isang music video shoot na na lalabas na leading lady si Neri. Ang hindi niya alam, magpo-propose na sa kanya ang Parokya ni Edgar vocalist. 

Dalawang taon na ang relasyon nina Neri at Chito bago sila tuluyang nagpakasal. 

Congrats, Chito at Neri!