vice ganda

SA grand presscon ng The Amazing Praybeyt Benjamin, inamin ni Vice Ganda na gusto niya na siya ang unang gay action star ng Pilipinas.

Nagustuhan daw ng TV host/comedian ang pisikal na action dahil challenging kaya mas marami ngayon sa part two.

“Mas physically challenging ‘yung ngayon. Noong una, walang masyadong stunts na ginawa. Ngayon, may mga fight scenes kami ni Tom Rodriguez. 

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“’Tapos may dumating na fight instructor na pinapakarir ang mga fight scenes at bugbugan. Noong una, masaya lang kami na ginagawa pero pag-uwi namin ni Tom, ang sakit na ng katawan namin!

“Pero na-enjoy ko kasi ‘yun talaga ang gusto kong gawin: ang mag-action. Hinihingi ko talaga sa Star Cinema na bigyan ako ng comedy-action movie talaga.

“Gusto ko maging first gay action star. Kasi di ba parang wala pang ganun?”

Ikinumpara rin ni Vice ang bagong kasama niya sa pelikula na si Richard Yap kay Derek Ramsay na kasama naman niya sa una.

“Mas special ngayon kasi mayroon na akong Richard Yap, mayroon pa akong Alex Gonzaga. Noong una, si Derek ang naitulong niya talaga, parang may karne sa pelikula. ‘Yung mga babae talagang tinitilian siya, kada hubad niya ‘yun ang inaabangan sa kanya.

“Si Richard, nabigay rin niya ‘yun, ‘yung karne-karnehan dahil naghubad siya rito. Pero bukod du’n, nagpapatawa rin siya kaya hindi masyadong malaki ang pressure sa akin na ako lang ang nagpapatawa.

“Hindi katulad ng Girl, Boy, Bakla, Tomboy na ‘yung bida na apat puro ako,” say ni Vice.

At pagdating naman sa box office result ngayong 2014 ng Praybeyt Benjamin, target ni Vice na umabot sa P600 million at kung hindi ay okay na ang P500 million.

“Sa first week yata nauna sila [referring to My Little Bossings] pero nu’ng natapos na ang buong run, kami na [ang nanguna].”

May takot ba siyang nararamdaman sa Feng Shui 2 nina Kris Aquino at Coco Martin o My Big Bossing na pinagbibidahan nina Vic Sotto-Ryzza at Mae Dizon?

“Wala. Hindi ako ninenerbiyos sa totoo, ha, hindi ako ninenerbiyos. Baka hindi pa. Tingnan natin, baka nerbiyusin ako sa first week. Kampante pa ako,” diretsong sabi ni Vice.