Nag-aalok ang Globe Telecom ng serbisyong Libreng Tawag sa Pilipinas mula sa walong bansa – Spain, UK, Saudi Arabia, Canada, Singapore, Hong Kong, United States, at Italy.

Sinabi ng telecom provider na ito ay bilang suporta sa overseas Filipino workers na maaaring nais na malaman ang kalagayan ng kanilang mga pamilya na naninirahan sa mga lugar na dinaanan ni Bagyong Ruby.

Ayon kay Gil Genio, Globe chief operating officer for business and international markets, na ang mga bansang nabanggit ay kabilang sa mga tinukoy na may pinakamataas na bilang ng mga migranteng Pinoy at expatriates sa mundo.

“We realize how important it is for our kababayans abroad to get in touch with their families especially during calamities. This is why we have set up free calling stations in these eight countries where Globe is directly serving the Filipino communities there,” aniya.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Sa Italy, ang free calling services ay available sa Globe Stores sa Milan at Rome. Para sa Spain, UK, Saudi Arabia, Canada, Singapore at Hong Kong, ang public service ay nagsimula noong Disyembre 7, 2014 at iniaalok sa pamamagitan ng ilang accredited Globe retailers.

Sa US, ang Libreng Tawag service sa West Coast ay magiging available sa lahat ng sangay ng Seafood City habang ang Pilipino sa East Coast ay pagsisilbihan sa pamamagitan ng subscribed access service ng Lunex.

Ang serbisyo ay magiging available hanggang 11:59 p.m. EST sa Disyembre 8, 2014 o 12:59 p.m. sa Disyembre 9, 2014 (oras sa Manila). - Armin Amio