aiko-melendez

HINDI pa isinasara ni Aiko Melendez ang kanyang career sa mundo ng pulitika. From a very reliable source, nalaman naming isa pa rin siya sa mga nililigawan nang husto ng isang political party para tumakbong konsehal sa Quezon City.

Pinagbabatayan daw ng partido ang mataas na survey ng aktres. Kahit kasi ilang taon na ring umalis si Aiko sa pulitika ay tuluy-tuloy pa rin naman ang pagtulong niya sa constituents niya.

Kaya nang makausap namin si Aiko sa ABS-CBN after her guesting sa The Buzz ay hindi na kami nagtaka nang banggitin niya na maaari niyang balikan ang pulitika.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Hindi nga lang daw siya makapagdesisyon agad-agad dahil may commitments siyang dapat niyang asikasuhin kasama na ang sunud-sunod na projects na ipinagkakatiwala sa kanya ng Dos.

Kasalukuyang ipinapalabas sa tuwing tanghali ang Give Love On Christmas, The Gift Giver ng Dreamscape na pang-award ang ginagampanan niyang role kasama sina Eddie Garcia, Dimples Romana, Carlo Aquino at iba pa.

Paano naman ang lovelife niya, wala na siyang panahon para rito?

“Well, lagi namang masaya tayo. I mean, ilang taon na rin naman tayong single, at nakakaya ko naman, di ba?” napatawang sagot niya.

Kahit ilang beses na niyang itinanggi ang batambatang varsity player na nali-link sa kanya ay patuloy na umiikot ang tsika na ito raw ang kasalukuyang nagpapasaya kay Aiko.

“It’s pangit naman na it would come from me. Probably siguro he has a crush on me. Ganu’n lang. Barkada namin nila Edwin Tan. We just hang out as a group,” paniguradong sabi ng magaling na aktres.

Ang tinutukoy na bagets ay si Michael Pate, 20 year-old na basketball varsity player ng DLSU-CSB Blazer na ngayon ay kasama na sa NU Bulldogs. Pero hindi naman itinanggi ni Akikay na paminsan-minsan daw ay nakakasama niya ito sa gatherings.

At hindi naman daw niya masisisi kung natsitsismis siya sa isang bagets.

“Probably kasi I’ve been single for the past five years. Anybody na matabi sa akin, sinasabi lang niya na humahanga siya sa akin pero wala naman pa akong naramdamang panliligaw or what,” napatawang banggit ni Aiko.

Birthday ni Aiko sa Dececember 16, may pa-birthday concert siya at special guest niya sina Jomari Yllana, Richard Gomez at marami pang iba.