Malugod na ibinalita ni Maria Teresa D. Pascual, pangulo at CEO ng Pilipinas Eco Fiber sa San Pablo sa Laguna, na unti-unti nang lumalawak ang paggawa ng iba’t ibang produkto mula sa balat ng niyog katulad ng coco net.
“Lumakas ang demand sa merkado lalo sa international,” pahayag ni Pascual.
Aniya, kailangan lamang na pagyamanin at buhusan ng suporta ang pagtatanim ng niyog at coco coir industry.
“There’s a need for government’s support,” diin ni Pascual.
Malaking tulong din daw sa mga magsasaka ng niyog kapag napaunlad at napalawak ang coco coir industry.