Tiniyak ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan ang pagtatayo ng pamahalaang lungsod ng bagong central business district (CBD) sa mababakanteng 25-ektaryang lupain sa Caloocan City sa 2015.

Ayon sa alkalde, ang lupang pagtatayuan ng CBD ay pag-aari ng Philippine National Railways Corporation.

Sa kanyang pakikipag-usap sa mga negosyante ng lungsod, sinabi ni Malapitan na ang bagong Caloocan CBD ay nakapaloob sa mga kalye ng Samson Road, Heroes Del 96, Torres-Bugallon Street at 10th Avenue, sakop din ang PNR Row, PNP/BFP Building, PhilPost Building, Poblacion Market, Army Foundry at PNR Motor Pool.

Rep. Chua, itinangging naungkat ang 'impeachment' sa kanilang fellowship sa Malacañang