Boy & Kris

No doubt, sina Boy Abunda and Kris Aquino ang dalawa sa masasabing most powerful talents ng ABS-CBN network. Ito ang ipinagdidiinang binanggit sa amin ng isang executive ng nasabing istasyon.

Kaya raw naman may mga kapwa talent ng Dos na may lihim na inggit sa itinuturing na King and Queen of Talk. Binabanggit daw ng mga ito na ang sinumang talent ng istasyon na nangangarap magkaroonng magandang exposure o manatili sa show ng mga ito ay dapat daw kaibiganin ang isa man kina Boy at Kris, huh!

Hindi naman daw talaga maikakaila na sina Kris at Boy ang experts sa talk shows kaya silang dalawa ang matatawag ding "goldmine" ng ABS-CBN.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Parehong may tigtatlong show sina Kris at Boy. Magkasama sila sa Aquino and Abunda Tonight at sa The Buzz (with Toni Gonzaga), pero nag-iisa si Kris sa KrisTV at ganoon din naman si Boy sa The Bottomline With Boy Abunda.

Ayon pa sa ABS-CBN exec na kausap namin, pagdating naman sa sponsors at advertisers ay parehong pinag-aagawan ang palabas nina Boy at Kris.

Hindi rin naman daw nagpapahuli si Boy kay Kris pagdating sa product endorsements. Pero so brang maraming endorsements si Kris, huh! Banggit pa ng source namin, medyo nakakalamang din si Kris Aquino kay Boy Abunda pagdating sa negosyo.

"May malaking share si Kris sa taxi business ni Luis Manzano. Magkapartner sila ni Luis sa taxi business at may balita ring papasukin ng dalawa ang bus naman," sey pa ng kausap namin.

Siyempre, aware na rin naman ang lahat na meron nang franchise si Kris ng Chow King sa Ali Mall, at balak pa niya itong dagdagan sa lalong madaling panahon.