MENDEZ-NUÑEZ, Cavite – Siyam na katao, kabilang ang limang magkakaanak, ang sugatan matapos magsalpukan ang isang kotse, isang tricycle at apat na barangay patrol vehicle sa Alfonso Road, Barangay Punongyan Isa bayan na ito kamakalawa ng hapon.

Agad na inaresto ng pulisya ang 50-anyos na driver ng Toyota Corolla (TYS-559) na si Erwin E. Ferma, resident eng Barangay Anuling Cerca I, Mendez- Nuñez dahil ito umano’y lango sa alak at nagmamaneho bagamat paso na ang kanyang lisensiya nang maganap ang aksidente, ayon kay PO3 Ericson Ularte Amazona.

Kinilala ang mga sugatang biktima na lulan ng tricycle na si Robert Bruce Pascua, 23, at maybahay nitong si Maycee Peñalba Perido; at mga anak na sina Yoawhan Marney, 2-anyos; sanggol na si Yownah Maxenem at pinsan na si Jessa Mae Pe alba Cubio, 11.

Sakay ng barangay patrol sidecar ay sina Jemard Tristan Canava Valente, 28; Juanito D. de los Santos, 56; Angel P. Erni, 59; at Anselmo P. Nepales, 54, kapwa tanod ng Barangay Palocpoc II. Lumitaw sa imbestigasyon na sinalpok ng Toyota Corolla ni Ferma ang Kawasaki Barako motorcycle (UR 7593) na minamaneho ni Robert Bruce bago bumangga ang kotse sa barangay patrol sidecar na minamaneho ni Valente.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Sinabi ng pulisya na naganap ang insidente dakong 5:00 ng hapon noong Sabado. - Anthony Giron