Droga ang sinisilip na motibo ng pulisya sa pagmasaker sa walong katao sa Iligan City kahapon ng madaling araw.

Sa inisyal na ulat na ipinarating kay Supt. Gervacio Balmaceda Jr., Deputy Director ng Iligan City Police Office, kinilala ang mga namatay na sina si Ryan Omilla, Balong Castelo, Tato Gabriel, Pedro Lumayaw, Awil Lumayas, Narciso Lumayag, pawang residente ng Purok 6, Bgy. Saray, Iligan City, habang dalawa pang biktima ang kinikilala.

Nabatid na pinasok ng apat na armadong lalaki na nakasuot ng bonnet ang bahay na kinaroroonan ng mga biktima at sunud-sunod silang pinagbabaril.

Maraming tama ng punglo sa katawan ang naging sanhi ng kamatayan ng mga biktima.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa imbestigasyon, nalaman na posibleng may kinalaman sa pagbebenta ng droga ang dahilan ng pagpatay sa mga biktima na kinukumpirma pa ng mga awtoridad