Nasamsam ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana sa isang kilabot na tulak ng iligal na droga sa isang buy-bust operation sa Cebu City kamakalawa.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang suspek na si Jerry Candol, 32, residente ng Sitio Lupa, Bgy. Kamputhaw, Cebu City.

Base sa report ng PDEA, dakong 7:15 ng gabi nagsagawa ng operasyon ang mga operatiba ng PDEA Regional Office 7 (PDEA RO11) sa ilalim ni Director Jeffrey A. Bangsa sa Cebu City.

Nang matapos ang transaksyon ng posuer buyer kay Candol ay agad na dinakma ng mga operatiba ng PDEA at lokal na mga pulis ang suspek.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Nakumpiska kay Candol ang back pack na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana na nakalagay sa manila paper at P10,000 drug money, 69 sticks ng marijuana at tatlong piraso ng malaking rolyo.

Nakapiit ngayon sa detention cell sa PDEA RO7 si Candol na sasampahan ng kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II of Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.