Marian Rivera

BABAERO nga ba si Vic Sotto? O sadya lang malakas ang kanyang sex appeal sa opposite sex, bata man o nakatatanda?

Tatlo sa leading ladies niya sa My Big Bossing ang nagpahayag ng kanilang damdamin tungkol sa “Comedy King” ng kanyang henerasyon.

“Hindi ko puwedeng tanggihan si Bossing Vic nang alukin niya akong maging leading lady sa Metro Manila Film Festival entry niya, kahit nalalapit na ang aking kasal,” anang pagkaputi-puting si Marian Rivera sa presscon ng kanilang pelikula. “Kahit sa parade of filmsfest stars sa December 23, eh, sisipot din ako at sasakay sa float katabi si Bossing Vic. Okey lang na maghapon akong magbilad sa araw, kasehodang pagpawisan ako ng malapot dahil gusto kong magpaka-professional tulad niya.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

“Hindi niya rin kasi ako tinanggihan nang hilingin namin ni Dong (Dingdong Dantes) na maging ninong siya sa aming kasal. Actually, noong alukin niya ako na maging love interest niya sa My Big Bossing, umoo agad-agad ako. Hindi na ‘ka ‘ko kailangan na basahin ko pa ang story at script.

“Nagta-trust naman ako sa kanya. Pero, hindi siya pumayag. Kaya binasa ko ang story at script ng episode kong ‘Taktak’ kasama si Jose Manalo at Ryzza Mae Dizon. Parang regalo na niya sa kasal ko ang role ko. Napakaganda talaga. Palagay ko, iyon ang gusto niyang maramdaman ko!”

Sakaling wala si Dindong sa buhay niya, posible bang umibig siya kay Bossing Vic?

“Puwede!” agad-agad na sagot ni Marian.

Nang si Nikki Gil naman ang tanungin, heto ang maikli niyang sagot: “Madalang kaming magkasama ni Bossing Vic, sa role ko bilang prinsesa sa episode namin with mag-amang Niño Muhlach and Alonzo Muhlach at Ryzza Mae Dizon.

“How I wish na nagkaroon talaga kami ng pagkakataong makilala ko siyang lubusan. He remains a mystery to me tuloy.

“Anyway, puwedeng start ito ng pagkakaroon ko ng chance na makasamang muli si Bossing Vic, kasi maganda rin ang role ko at binigyan niya talaga ako ng chance to mag-shine,” sabi ni Iza na kumukuti-kutitap ang eyes.

Siyempre, mahiwaga rin ang role ni Pauleen Luna sa episode niyang “Tatak” with Manilyn Reyes, Wally Bayola and Ryzza Mae uli.

Puwede naman kasi siyang mag-demand na gawin din siyang bida sa episode niyang “Sirena.” Afterall, siya ang tunay na bida sa puso ni Bossing Vic. Pero hindi niya ito ginawa.

“Sanay na akong maging kontrabida sa mga roles ko sa pelikula,“ katwiran ni Pauleen. “Hindi po ako mareklamo,“ sabay siko sa katabing si Bossing Vic.

Taglay marahil ni Pauleen ang katangiang ito, kaya’t tuluyan siyang napamahal sa pihikang puso ni Bossing Vic.