Disyembre 5, 1893 nang bumiyahe ang unang electric car sa mundo sa layong 15 milya (24 kilometro). Inimbento at minaneho ng abogado na si Frederick Bernard Featherstonhaugh ang unang electric car na binuo sa Toronto sa Canada. Katuwang si William Still, isang engineer na interesado sa usaping kuryente at makina, naging matagumpay ang pagpapaandar sa nasabing sasakyan. Parehong interesado sina Featherstonhaugh at Still sa sasakyan. Nagamit ang electric car sa loob ng 15 taon.
Ipinakita ang electric car sa Canadian National Exhibition noong 1893. Taong 1895, nang ilunsad ni Still at ng isang grupo ng mga negosyante ang Canadian Motor Syndicate, na gumawa at nagbenta ng mga electric car. Si Still ang inhinyero ng kumpanya.