Idinaraos ang Disyembre taun-taon bilang “National Press Congress Month” and “Month of the Community Press in the Service of the Nation,” upang parangalan ang publishers, editors, writers, community journalists, broadcasters, at iba pang kumikilos para sa mass communication dahil sa kanilang mga ambag sa kaunlaran at pagpapatibay ng bansa. Sa bisa ng Presidential Proclamation No. 1187 na inisyu noong Disyembre 7, 2006, itinalaga ang Publishers Association of the Philippines, Inc. (PAPI) bilang lead agency para sa pagdaraos upang maitutok ang atensiyon sa mahalagang tungkulin nito ng pagtataguyod ng malayang pamamahayag, ng dangal ng journalism profession at ng industriya ng paglilimbag. Kabilang sa mga aktibidad sa buwan na ito ang seminars, symposiums, conventions, awards-giving, games, sports festivals, at tours sa media establishments.

Itinatag noong 1974 ni General Hans M. Menzi, ang PAPI ay isang propesyonal na organisasyon na nagtataguyod ng malayang pamamahayag at ulirang peryodismo bilang instrumento ng serbisyo publiko, lalo na sa mga lalawigan. Ito ang pinakamalaking grupo ng publishers, community editors, columnists, broadcasters, at correspondents. Lumago ang bilang ng mga miyembro nito na sumasaklaw ang iba pang media practitioners, bukod sa print, na bilang associate members. Ang kaalyadong publications nito sa mga rehiyon ay humantong sa lingguhang print circulation sa mahigit isang milyong kopya.

Ang PAPI ang mangangasiwa ng core event – ang 19th National Press Congress – sa Pebrero 19-21, 2015, sa Sacred Heart Center, Jakosalem Avenue, Cebu City, sa pakikipagtulungan ng media companies at associations. Ang banner theme ay “Forward to ASEAN Integration” na nakatuon sa preparasyon ng ASEAN Economic Community in 2015.

Inanyayahan ang tanyag na local at foreign resource persons upang magbahagi ng kanilang karunungan at imporma;syon, at magsasagawa ng mga diyalogo sa inaasahang 700 kalahok na ang karamihan ay mula sa media, sa tatlong araw na pagtitipon. Iikot ang mga talakayan sa ASEAN Integration, partikular na sa kung paano ito makaaapekto sa local community newspaper publishing industry, pati na rin ang industry interventions upang harapin ang mga paghamon at oportunidad sa integration. Mayroon ding workshops hinggil sa press fredom at press ethics, media in the digital age, online reporting/editing, marketing trends, branding, photo journalism, public relations, at advertising.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Ang congess ay isang forum para sa community newspaper publishers, editors, print and broadcast journalists, media executives, communicators, and public information officers, isang training ground para sa campus writers at mga mag-aaral na naghahangad maging peryodista, at isang paraan para sa fraternal reunion ng PAPI regular at associate members. Ang National Press Club, ang Philippine Press Institute, at ang Federation of Provincial Press Clubs ay sumusuporta sa mga aktibidad upang ipagdiwang ang National Press Congress Month at ang Month of the Community Press.