inigo pascual at julia barretto

KUNG dati ay nag-aalangan pa si Iñigo Pascual na pasukin ang showbiz, ngayon ay pursigido na ang binatilyo na magtuluy-tuloy sa pag-aartista.

Ito ang inamin mismo ni Iñigo sa madaliang panayam namin sa kanya nang tanghalin siyang Star of the Night sa PMPC Star Awards for TV.

Aniya, masinsinan na silang nag-usap ng kanyang amang si Piolo Pascual na full support sa anumang desisyon niya.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Tuwang-tuwa rin si Iñigo sa inilatag ng Star Magic na career plan para sa kanya. Excited ang teen actor sa binanggit sa kanya ng mga namamahala ng Star Magic na ipapareha siya sa mga sikat na teen actress ng ABS-CBN.

Si Julia Barretto ang nakapareha ni Iñigo sa Maalaala Mo Kaya na napanood last Saturday. Ayon sa batang aktor, sinubukan lang daw ng network kung kakagatin ang loveteam nila. Ayon naman sa PR head ng Star Magic, pumalo sa rating, nag-trending at umakyat pa sa number one spot sina Iñigo at Julia.

Nagtala ng 31.3% rating ang MMK episode nila.

“Naging usap-usapan sa social networking sites ang magandang chemistry ng dalawa. Kaya walang dudang masusundan ng isa pang pagsasamahang project sina Iñigo at Julia. It might be isang TV project pa at p’wede rin naman sa movie,” sey pa ni Ms. Tess Gubi.

Dahil dito, naniniwala kaming wala na ngang ligtas sa showbiz si Iñigo!