Nailigtas ang tatlo sa 13 Pinoy habang nawawala pa rin ang mahigit 50 katao na patuloy pang pinaghahanap ng Russian rescue operation team matapos lumubog ang sinasakyan nilang South Korean fishing vessel na Oriong-501 sa dagat ng Bering sa Russia kamakailan.

Kamakalawa na-rescue ng Russian authorities ang pitong indibidwal, kabilang ang isang Russian official, isang South Korean crew member, tatlong Pilipino at 3 Indonesian habang narekober naman ang isang bangkay ng South Korean.

Ayon sa gobyerno ng South Korea at operator ng lumubog na barko na Sajo Industries, 60 indibidwal ang sakay ng barko, kabilang ang 11 South Korean, 13 Pinoy at 35 Indonesian.

Inihayag ng Embahada ng Pilipinas sa Moscow, tumutulong sa rescue operations ang Amerika upang agad na mahanap ang mga biktima subalit nananatiling problema ng mga rescuer ang masamang panahon sa lugar na nagdudulot ng pagkaantala ng isinasagawang operasyon doon.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Base sa report, nagkakarga ng mga isda ang Oriong-501 sa karagatang sakop ng Chukotka region nang biglang hampasin ng malalakas na mga alon na mabilis na nagpalubog sa nasabing barko.