Jessie Mueller

MULA sa pagganap bilang mahusay na songwriter, ang fast-rising Broadway star na si Jessie Mueller na nanalo ng lead actress Tony Award ngayong taon sa kanyang performance sa Beautiful: The Carole King Musical, ay gaganap naman bilang tagapagsilbi sa restaurant.

Ayon sa hindi pa nakukumpirmang ulat ng The New York Times, gaganap si Mueller bilang waitress sa kanyang susunod na proyekto.

Ang binubuong musical ay batay sa 2007 Fox Searchlight indie na kumita ng $19 million domestically, at pinagbidahan ni Keri Russell bilang buntis na hindi masaya ang relasyon sa asawa at isang diner server sa Deep South na gumagawa ng extraordinary pies.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nakasama ni Keri sa cast si Cheryl Hines at ang writer-director na si Adrienne Shelly, na nataong pinatay sa kanyang inuupahang bahay sa Manhattan nang ipalabas ang pelikula. - Yahoo News/Celebrity