KRIS Aquino

“SUPER-DUPER ganda ng Feng Shui kasi, di ba, in ten years ang daming innovation, ang daming bago, bongga ‘yung camera, dalawa, two cams are red dragon (digital camera) and a more peak lenses, ‘tapos iba na ‘yung quality ng ilaw, iba ‘yung crispness, ‘yung sharpness,” may pagmamalaking kuwento sa amin ni Kris Aquino nang makatsikahan namin sa pagbubukas ng kanyang Chow King franchise sa Alimall Cubao noong Nobyembre 28.

Sinulat namin kamakailan ang naunang kuwento ni Kris na ‘nakaka-insane’ ang paspasan at walang baklasang shooting nila nina Coco Martin at Cherie Pie Picache ng Feng Shui, sa direksiyon ni Chito Roño. Nabaligtad na naman kasi ang lifestyle na kinasanayan na niya, early to bed and early to rise. Sa shooting, gising siya buong magdamag hanggang alas otso ng umaga at tulog naman maghapon.

Pero mukhang magiging hit uli ito tulad ng unang Feng Shui dahil marami na ang nag-aabang. Katunayan, usap-usapan na agad ang ipinakita sa teaser na may kasama na si Lotus Feet.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Bakit dalawa na si Lotus Feet, ano’ng nangyari?

“‘Yung back story kasi (10 years ago), was she (Lotus Feet) had a twin that she abandoned, so magre-reunite sila. At sa pagre-reunite nila, mas powerful kasi ang mangyayari, kung dati paisa-isa (ang namamatay), ngayon, if someone dies, may twin na mamatay din, hindi puwedeng isa-isa lang, so two at a time, ‘yun ‘yung twist nito,” sagot ng Queen of All Media.

Ano pa ang mas nakakatakot sa Feng Shui 2 kumpara sa una?

“Okay, the first 35% of the movie is the journey of Lester (Coco), kaya napaka-timely, the trailer will start airing if not this Sunday (November 30), Monday (Dec 1) ang launch. Makikita ninyo sa start na ninakaw niya (Lester) ‘yung bagua at ‘yun ang mag-a-unleash ng lahat. Sabi ko nga, napaka-timely na ‘pag nagnakaw ka, may singil (karma) ka na, and maraming innocent victims along the way. ‘Yun ang sumpa ng greed,” kuwento ng bida sa pinaka-successful na horror movie sa Philippine movie.

Buhay ba lahat ang cast ng Feng Shui sa ending ng pelikula?

“Maraming dead,” natawang sagot ni Kris.

Sa tanong namin kung may Feng Shui 3...

“Sabi ni Direk Chito, ‘O, see you in ten years, ha?’ Sabi ko naman, “Talaga, Direk?’ Every ten years lang daw ito, sa kanya ako talaga bilib kasi ‘yung passion na ibinigay niya talaga at ‘yung sipag.”

Ano ang prediction ni Kris sa Feng Shui 2, kaya ba nitong mag-number one sa filmfest?

“Kasi, I owned 30% of this movies, of course for your ego, masarap talaga to be number one, number two, di ba? Pero as a producer at siyempre, as a negosyante mode, mas importante sa akin ang break-even, ‘tapos importante sa akin na may target na alam mo, so you have to hit that,” paliwanag sa amin.

Panalangin niya na sana ay umabot sa P200 million ang kita ng Feng Shui 2 dahil ang Pagpag ay naka-P180M noong nakaraang taon.

“Let’s pray sana umabot or more,” saad ni Kris, at ipinagmalaki na, “cinema siya (Feng Shui 2), you made a movie, an epic movie, malaki siya, hindi siya sa studio lang kinunan, alam mo ‘yung ganu’n na naka-green screen lang. Event talaga, it’s a cinema experience.

“Paulit-ulit si Direk Chito, kasi pinapagalitan niya ‘yung mga make-up artist ‘pag nire-retouch ako, sabi niya, ‘cinema ‘to, dapat mukha siyang (Kris) madungis, pagod na siya, dapat pinapawisan na, huwag ninyong punasan,” tumatawang kuwento pa ng Queen of All Media.