GENERAL SANTOS CITY - Naaresto ng pulisya ang isang pugante matapos tangayin nitong hostage ang sariling live-in partner sa Quirino, Sultan Kudarat kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Eulogio Rufino, nahaharap sa kasong frustrated murder, na tumakas sa Sultan Kudarat Provincial Jail noong 2011.

Sinabi ni SPO1 Darwin Tambasacan na hinostage ni Rufino ang kinakasama nitong si Cherry Aqui matapos magkasagutan ang dalawa sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Katiko, Quirino, Sultan Kudarat.

Lango sa alak at armado ng patalim si Rufino nang makorner ng mga rumespondeng pulis habang hawak si Aqui at binabantaang papatayin ito.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Agad na dinala si Rufino sa Isulan Municipal Jail matapos ang hostagetaking incident. - Joseph Jubelag