Manila (AFP) – Ipinagtanggol ni Andy Murray ang kanyang coach na si Amelie Mauresmo makaraang sabihin ni dating British number one Tim Henman na ang Scot “had not been playing the right way” nitong mga panahon at kuwestiyunin ang kanilang tambalan.

Ipinahayag ni Henman noong nakaraang buwan na ang double Grand Slam winner na si Murray, na bumaba sa ikaanim na puwesto sa world rankings, ay hinahayaan ang kanyang mga kalaban na diktahan ang mga laro at kailangang maging mas agresibo sa opensa.

“(It’s) certainly not true, her telling me to play defensively, so I don’t agree with that,” sabi ng dating world number one na si Murray sa mga mamamahayag sa Manila.

Ang 2013 Wimbledon winner ay nagtungo sa kabisera ng Pilipinas upang maglaro sa International Premier Tennis League (IPTL), isang faster-paced, television-friendly format ng isport.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sinabi niya na lagi siyang sinasabihan ni Mauresmo na maglaro “aggressively.”

“That’s the sort of mindset and style that I want to play,” dagdag ng 27-anyos.

Noong Hunyo, kinuha ni Murray ang dating female world number one na si Mauresmo, katulad niyang Wimbledon champion, makaraang tapusin ni Ivan Lendl ang nakilang tambalan.

Hindi masyadong spectacular ang naging resulta, isang katotohanan na hindi pinasisinungalingan ni Murray – bagamat iginiit niyang masyado pang maaga upang husgahan ang impact ni Mauresmo.

“Sometimes this year it hasn’t been possible, but you know we’ve only spent six or seven weeks together since Wimbledon,” ani Murray tungkol kay Mauresmo.

“Yes, there was a few periods of the year where I played a couple of bad matches, where my level dropped and I wasn’t expecting it.”

“It wasn’t my best season but it got better as the year went on,” saad ni Murray at idinagdag na siya ay naglaro ng “solid” sa Wimbledon at Australian Open.

Idiniin ni Murray na ang kanyang laro ay nasa tamang landas.

“The next sort of five, six weeks in the off-season and the buildup to the Australian Open I’ll get to practise some things and work on some stuff,” sabi niya.

“Next year, hopefully, my consistency will be a little better.”

Sa IPTL, naglaro si Murray para sa Manila Mavericks kasama ang women’s world number two na si Maria Sharapova.