CAIRO (Reuters)— Sumiklab ang protesta sa mga unibersidad sa buong Egypt noong Linggo na kinokondena ang desisyon ng korte na ibasura ang kasong kriminal laban kay Hosni Mubarak, ang pangulo na napatalsik sa mga pag-aaklas noong 2011.

Daan-daang demonstrador ang nagtipon sa Cairo University, ikinakaway ang mga litrato ni Mubarak na nasa kulungan at iginiit ang “fall of the regime”, ang sigaw sa mga pag-aaklas ng Arab Spring na yumanig sa mga gobyerno mula Tunisia hanggang sa Gulf noong 2011.

Nakabantay sa mga gate ang mga pulis na handang harangin ang mga estudyante na nagnanais dalhin ang kanilang demonstrasyon sa mga lansangan.
National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela