KANO, Nigeria (AFP) – Halos 120 katao ang namatay at 270 iba pa ang nasugatan nang pasabugin ng dalawang suicide bomber ang kanilang sarili at namaril ang ilang lalaki habang taimtim ang pananalangin sa mosque ng isa sa mga pangunahing Islamic leader sa bansa noong Biyernes.

Ang nasabing pag-atake sa Grand Mosque sa Kano, ang pinakamalaki sa siyudad, ay nangyari sa pagsisimula ng pananalangin noong Biyernes. Ang nasabing mosque ay malapit sa palasyo ng Emir ng Kano na si Muhammad Sanusi II, ikalawang pinakamataas na Muslim cleric, na noong nakaraang linggo ay hinimok ang mga sibilyan na gumamit ng armas laban sa Boko Haram.
Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod