Naghigpit ngayon ang pamunuan ng Bureau of Immigration (BI) partikular sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), dahil sa papalapit na Kapaskuhan, nagpaskil ng “no escorting” laban sa pagsundo at paghatid ng mga pasahero.

Layunin ng hakbang na pigilan ang mga tauhan nito sa pagsalubong sa mga dumarating at paghatid sa mga umaalis na pasahero upang maiwasan ang human smuggling.

Ang ganito umanong gawain ay nagbubunga ng name-dropping o paggamit ng ilang pangalan upang makaiwas sa masusing pagsisiyasat sa mga dokumento ng mga opisyal ng BI. - Mina Navarro
National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3