Handang tumanggap si eight-division world champion Manny Pacquiao ng mas maliit na premyo matuloy lamang ang laban nila ni pound-for-pound king Floyd Mayweather Jr.

“The talks are already going on. It is more of what the fans want. It’s not about the pay (level). That’s the least of his concerns,” sinabi sa AFP ng business manager ni Pacquiao na si Eric Pineda.

May mga naunang ulat na tatanggap si Pacquiao ng $80 milyon at $100 milyon ang kay Mayweather ngunit pumutok noong 2012 na aabot sa $200 milyon ang premyong paglalabanan ng dalawang boksingero.

Tinalo kamakailan ni Pacquiao ang Amerikano rin na si Chris Algieri, ang ikalawang sunod na undefeated boxer na tinalo niya matapos mabawi ang WBO welterweight crown kay Timothy Bradley.

National

Ikinakasang rally ng INC kontra impeachment kay VP Sara, pinaghahandaan na ng MMDA

“It’s been a long time since I’ve been wanting this fight, it has to happen,” sabi ni Pacquiao matapos anim na beses pabagsakin si Algieri para magwagi sa kumbinsidong 12-round unanimous decision.

Nagpahayag naman ng interes si Jerry Jones, may-ari ng Dallas Cowboys, na gawin ang laban nina Pacquiao at Mayweather sa kanyang AT&T Stadium (mas tanyag sa pangalang Cowboys Stadium) na maaaring dumugin ng 80,000 boxing fans.

“I’d be that excited about the possibility. It’d be a great fight. It’s going to be contemporarily, it’ll be one of the greatest fights in the last 15 years when it does happen,” pahayag ni Jones sa BoxingScene.com. “It needs to be in our stadium and I want to be a part of, working with Bob (Arum), CBS of course is really involved in the promotion of it, and we’d love to just in any way have that fight here. It would be a real, well it’d just be an epic event for our stadium.”