Isang 8 anyos na babae ang namatay matapos nahulog sa septic tank habang nakikipaglaro sa kanyang pinsan at kapitbahay sa Cubao, Quezon City noong Martes ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jasmine Longabela, isang Grade 1 pupil, at residente ng Lantana St., Immaculate Conception, Cubao.

Base sa imbestigasyon, naglalaro si Jasmine kasama ang kanyang kapitbahay at pinsan sa parking area ng Partas Bus Terminal nang bigla itong mahulog sa isang poso negro dakong 7:00 noong Martes ng gabi.

Narinig pa umano ng ilang pasahero sa terminal habang nagsisisigaw si Jasmine upang humingi ng tuloy subalit nang dumating ang mga rumesponde ay nakalubog na ito sa tubig.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Tinangka pa umano na bigyan ng paunang lunas ang biktima bago ito dinala sa Quezon City Memorial Medical Center kung saan ito nalagutan ng hininga.

Betheena Kae Unite