PURA, Tarlac - Naka-confine ngayon sa Tarlac Provincial Hospital ang isang tricycle driver na pinalo ng baril ng kanyang pasahero para matangay ng huli ang tricycle ng una sa Purok Uno, Barangay Estipona, Pura, Tarlac, Linggo ng umaga.

Kinilala ni PO3 Rodolfo Leano Jr. ang biktimang si Ramon Ramiscal, 37, driver ng Honda TMX tricycle (OI-7773), at residente ng Poblacion Norte, Ramos, Tarlac.

Napag-alaman na namamasada si Ramiscal nang sumakay ang hindi nakilalang pasahero at nagpapahatid sa Pura, pero nang sumapit sila sa Bgy. Estipona ay nagdeklara ng holdap ang suspek at pinalo ng baril sa mukha si Ramiscal, na nahilo at sinamantala ito ng suspek para tangayin ang tricycle.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20