Nanaig ang pagiging magkaibigan ng dalawang senador kay acting Department of Health (DoH) Secretary Janet Garin kaya nakipagbeso-beso ang kontrobersiyal na kalihim sa pagdalo nito sa Senado kahapon.

Dumating si Garin sa session hall upang talakayin ang budget ng DoH at agad itong dumiretso sa VIP area.

Si Garin ay naging kontrobersyal sa pagharap nito sa mga Pinoy peacekeeper na naka-quarantine sa isang isla sa Cavite sa pangambang apektado ang mga ito ng Ebola virus dahil walang isinuot ng protective equipment.

Una nang sinabi ni Senate Minority Leader Vicente Sotto III at Sen. JV Ejercito na dapat sa pagdalo ni Garin ay naka-protective gear ito para hindi mahawa ang mga senador ng Ebola virus na posible na nitong taglay.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Agad na kinilala ni Senator Francis Escudero si Garin kahapon kung saan lumapit dito si Senator Ferdinand Marcos Jr., at agad na nagbeso-beso ang mga ito.

“Kaibigan ko iyan (Garin),” ani Sen. Marcos.