Isang magsasaka ang namatay makaraang atakehin sa puso habang nanonood ng laban nina Manny Pacquaio at Chris Algieri noong Linggo sa Naawan, Misamis Oriental.

Kinilala ng Naawan Police ang nasawi na si Joven Baslot, 60, na biglang nawalan ng malay habang nanonod ng pay-per-view ng laban nina Pacquiao at Algieri sa bahay ni Naawan Mayor Jamie Roa.

Ayon sa pulisya, nasa Round 9 na ang laban nang biglang bumagsak sa sahig ang nawalan ng malay na si Baslot, na hindi na umabot nang buhay sa Naawan District Hospital.

Kaugnay nito, umaasa ang pamilya ni Baslot na tutulungan sila ng boksingero at kongresista ng Sarangani sa pagpapalibing sa matanda.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20