TUGUEGARAO CITY, Cagayan – Inaresto ng pinagsanib na operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at pulisya ang sinasabing kilabot na drug pusher sa bisa ng warrant of arrest sa Barangay Maura, Aparri, Cagayan, noong Sabado.

Kinilala ni PDEA Region 1 Director Juvenal Azurin ang nadakip na si Jeofrey Jill Rabino.

Nasamsam ng raiding team mula sa bahay ng suspek ang 15 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P50,000, isang 7.62 caliber assault rifle, isang .9mm pistol, isang .22 caliber revolver, mga bala at drug paraphernalia.

Samantala, nakakumpiska naman ang pulisya ng may 100 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P660,000 sa entrapment operation sa Bgy. Macanaya, Aparri noong nakaraang linggo.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Arestado ang sinasabing pusher na si Larry Mabbun, na nahulihan din ng baril at drug paraphernalia.