Manny Pacquiao, Chris Algieri

Aminado ang talunang Amerikano na si Chris Algieri na si eight-division world champion Manny Pacquiao ang pinakamahusay na boksingero sa buong mundo.

“Manny Pacquiao is the best boxer in the world,” sabi ni Algieri sa panayam matapos ang kanilang laban sa Cotai Arena sa Macau, China kahapon. “He has a very distinct style that he has perfected.”

Sinabi naman ni Pacquiao na gusto talaga niyang mapatulog ang Amerikano ngunit takbo ito nang takbo.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Gusto ko siyang mapatulog pero galaw siya nang galaw at nag-iingat din ako,” sabi ni Pacquiao. “

“Pacquiao stalked Algieri the whole fight, as Algieri backpedaled and tried to box from outside. An Algieri slip in round two was credited as a knockdown for Pacquiao,” ayon sa ulat ng Fightnews.com. “Pacman scored two more knockdowns in round six. Pacquiao floored Algieri two more times in round nine, Algieri barely survived. Algeria went down for the sixth time at the end of round ten.”

Huling nakapagpatulog ng boksingero si Pacquiao noong 2009 nang maagaw niya ang WBO welterweight title kay Puerto Rican Miguel Angel Cotto.

Maraming nagsasabi na sa ipinakitang performance ni Pacquiao ay lalong lumabo na labanan siya ng hambog na Amerikanong si WBC at WBA welterweight champion Floyd Mayweather Jr.