HALOS lahat ng mga sikat na mang-aawit ng bansa tulad nina Sharon Cuneta, Martin Nievera, Sarah Geronimo, at lalo na si Jose Mari Chan ay pawang may Christmas album.

Idagdag sa talaan ang premyadong si Basil Valdez na ngayon lamang nabigyan ng pagkakataong magkaroon ng album na pamasko na pinamagatang The First Christmas.

Laman ng naturang album ang traditional Christmas carols na O Holy Night, We Three Kings of Orient Are, Silent Night at ilang sorpresa.

Kasama rin ang version niya ng Hark the Herald Angels Sing at O Come All Ye Faithful kasama ang pamosong The Philippine Madrigal Singers.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Bilang papuri kay Mama Mary ay hiniling ni Basil na isama ang Ave Maria. Deboto ni Mama Mary si Basil at nakagawa na rin siya ng album na relihiyoso ang tema.

Karagdagang bonus ang The Lord’s Prayer making the Christmas album na very special at memorable para sa music icon na si Basil.