Pilit na mang-aagaw ng silya ang baguhang Mane 'N Tail sa pagsagupa ngayon sa nangungunang Petron Blaze Spikers sa matira-matibay na laro sa eliminasyon ng 2014 Philippine Super Liga (PSL) Grand Prix na iprinisinta Asics sa Muntinlupa Sports Complex.

Sasagupain ng Lady Stallions, na puwersadong ipanalo ang pinakahuli nilang laro, sa ikalawang round ang sigurado nang ookupa sa unang puwesto sa semifinals na Blaze Spikers sa ganap na alas-2:00 ng hapon sa women's division ng prestihiyosong inter-club tournament na inorganisa ng Sports Core sa tulong ng Air 21, My Phone, Via Mare, Mikasa, Mueller Sports Medicine, Healthway Medical, Generika Drugstore, LGR at Jinling Sports bilang technical partners.

Agad itong susundan ng salpukan sa pagitan ng Generika Life Savers, bitbit ang 5-3 kartada, at ang nahulog sa ikatlong puwesto na RC Cola na bitbit naman ang 5-4 rekord. Posible pang magkaharap sa knockout semifinals ang dalawang koponan.

Tangan ng Lady Stallions ang 3-6 karta upang bumagsak sa ikalimang puwesto kung saan ay may pagkakataon pa itong maagaw ang ikaapat na silya sa semifinals na kasalukuyang hawak ng Cignal HD Spikers. Ito ay kung magwawagi sa Blaze Spikers na may 7-1 kartada.

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

Huling tinalo ng Cignal HD Spikers ang RC Cola-Air Force Raiders sa loob ng limang matinding set, 23-25, 22-25,25-21, 25-16, 16-14, upang putulin ang apat na sunod na kabiguan at iangat ang kartada nila sa 4-5 marka.

"Hindi namin hawak ang kapalaran namin pero kami naman labankami," sinabini Mane 'N Tail coach Francis Vicente, kung saan asam ng Lady Stallions na makatabla ang Cignal HD Spikers sa pagtatapos ng eliminasyon at umasa nang matipon ang mas mataas na quotient upang maagaw ang ikaapat na silya sa semifinals.

Samantala, matapos makalasap ng nakadidismayang kabiguan, bumalikwas ang Petron Blaze Spikers kontra sa Foton sa loob ng apat na set, 25-21, 25-18, 23-25,25-15, upang siguruhin ang unang puwesto.

Muling nagtulong sina imports Alaina Bergsma at Erica Adachi sa ikaapat na set upang ibalik ang Blaze Spikers sa daan palapit sa kampeonato matapos na huling tumapos na ikaapat na puwesto sa nakalipas na All-Filipino Conference.

Pinamunuan ni Bergsma, ang magandang spiker mula sa Oregon na nagwagi bilang Miss Photogenic sa 2012 Miss USA beauty pageant, ang Blaze Spikers sa itinalang 23 kills para sa 26 puntos habang si Adachi ay nagdagdag ng 13 puntos mali ban sa 52 excellent sets.

Nagposte naman ang top rookie na si Dindin Santiago ng 10 kills, 3 blocks at 2 aces para sa 15 puntos.

"We needed the win to regain our confidence," sinabi ni Petron coach George Pascua, na umaasang magpapakatatag ang Blaze Spikers sa natitirang laban sa pagsabak nila sa Muntinlupa Sports Complex para sa ikalawang Spike on Tour kung saan makakasagupa nila ang puwersadong manalo na Mane 'N Tail.

"This served as our turning point. If we lost, the morale and confidence of the players will drop and it will be harder for us to win in the crucial games ahead. I told them that if the game drags to a fifth set, it will be difficult for us to win. That's why they gave everything they had in the fourth set. We all want this win to somehow avenge our previous loss (to RC Cola-Air Force)," giit pa ni Pascua.

Samantala, itinala ng PLDT Telpad ang kabuuan nilang ika-17 panalo noong Huwebes ng gabi upang tumuntong sa ikatlong sunod na pagkakataon sa kampeonato matapos na biguin sa matira-matibay na semifinals ang Maybank sa loob lamang ng tatlong set, 25-19,25-21,25-21.