Manny Pacquiao, Chris Algieri

Nakatakdang depensahan ng Filipino boxing hero at eight-division world champion Manny “Pacman” Pacquiao ang kanyang WBO welterweight belt kontra kay Chris Algieri ngayon sa Cotai Arena sa Macau.

Masasaksihan via satellite ang labanan na tinaguriang “Pacquiao vs. Algieri: Hungry for Glory” sa GMA Channel 7 mula alas-11:00 ng umaga. Maari ring sundan ang live blow-by-blow account ng salpukan nina Pacquiao at Algieri sa Super Radyo DZBB 594, Barangay LS 97.1 at sa lahat ng RGMA stations sa bansa simula sa alas-10:00 ng umaga.

Sa kanyang huling laban sa Macau, pinatunayan ni Pacquiao na siya pa rin ang pinakamahusay na boksingero sa kanyang henerasyon nang talunin niya si Brandon Rios para sa bakanteng WBO International title.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

Matagumpay naman niyang nadepensahan ang kanyang WBO welterweight belt sa kanilang muling paghaharap ni Bradley sa Las Vegas noong Abril. Sa ngayon, si Pacquiao ay mayroong record na 55 wins (38 KOs), 5 losses at 2 draws.

Nakilala naman si Chris Algieri sa larangan ng kickboxing bago ito naging isang professional boxer.

Hawak ni Algieri ang record na 20 wins (8 KOs), 0 loss at 0 draw matapos niyang talunin si Ruslan Provodnikov para sa WBO light welterweight championship.

Muling mapapanood ang “Pacquiao vs. Algieri: Hungry for Glory” mamayang gabi sa ganap na alas-10:40 ng gabi sa Night Box Office (SNBO) sa GMA.