Bumagsak sa mga kamay ng Quezon City Police District (QCPD) ang dalawang Chinese na hinihinalang miyembro ng international drug syndicate matapos makumpiska ng pulisya ang P20 milyong halaga ng shabu sa isinagawang anti–narcotics operation sa Quezon City kahapon ng umaga.
Kinilala ni QCPD Director Chief Supt. Joel D. Pagdilao ang suspek na si Shi Jia Cheng, alyas “Joseph Sy ,“ ninirahan sa Binondo, Manila at tubong China.
Base sa report, dakong 7:30 ng umaga nang salakayin ng mga operatiba ng QCPD District Anti–Drugs Special Operation Group (DAID SOG) sa pamumuno ni Supt. Roberto Razon ang hinihinalang hideout ng sindikato sa panulukan Masaya St. at Maginhawa St., Barangay Teachers Village, Quezon City.
Nang magkasundo ang suspek at ahente ng DAID sa transaksiyon sa shabu sa isang bahay, biglang nagsulputan ang mga operatiba at dinakma si Joseph Sy.
Nasamsam mula kay alyas “Joseph Sy” ang limang kilong shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P20 milyon at ang mark money na ginamit sa buy-bust.
Nabatid pa na tipak-tipak ang nakumpiskang high-grade shabu at nakabalot sa lalagyan ng kape.