Pinangalanan na ni Pangulong Aquino si Paul Elmer M. Clemente bilang bagong deputy Ombudsman.

Ipinarating na ng Malacañang ang appointment ni Clemente kay Chief Justice Maria Lourdes P. A. Sereno, na siyang chairperson ng Judicial and Bar Council (JBC) na tumatanggap at sumasala ng mga itinatalaga sa hudikatura, kabilang ang mga posisyon sa Ombudsman at deputy Ombudsman.

Nakasaad sa transmittal letter na ipinadala ni Executive Secretary Paquito Ochoa Jr.:”I am pleased to transmit herewith the appointment letter of Hon. Paul Elmer M. Clemente, Deputy Ombudsman for the Visayas, Office of the Ombudsman, signed by His Excellency, President Benigno S. Aquino III.”

Bago ang kanyang pagkakatalaga bilang deputy Ombudsman for the Visayas, nagsilbing director si Clemente sa Office of the Ombudsman.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

Nanungkulan din ito bilang graft investigator at prosecution officer sa tanggapan ng deputy Ombudsman for Luzon. - Rey G. Panaligan