Bill Cosby at Janice Dickinson

KASABAY ng patung-patong na alegasyon laban kay Bill Cosby tungkol sa mga pananamantala nito sa kababaihan, isiniwalat ng supermodel na si Janice Dickinson sa ET na pinagsamantalahan din siya ng komedyante noong 1982.

Nagbalik-tanaw si Dickinson, 59, noong una silang magkita ni Cosby, 77, sa isang pagpupulong para pormal siyang tanggapin sa gagampanang papel sa The Cosby Show. Pagkatapos maghapunan na magkasama, ang sunod nilang pag-uusap ay nang tawagan siya nito habang siya ay nasa rehab dahil sa droga at alak. Ayon kay Dickinson, sinundan siya ng komedyante habang bumibiyahe patungong Bali at sumunod naman ay sa Lake Tahoe, para sa nakatakdang pagtatanghal niya roon at gustong kunin ang oportunidad para sa kanyang singing career.

Inilahad ni Dickinson na naghapunan sila sa Lake Tahoe, at sinabing inabutan siya ng isang baso ng red wine at isang tabletang gamot, na hiningi naman niya dahil sa menstruation at pananakit ng tiyan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“The next morning I woke up, and I wasn’t wearing my pajamas, and I remember before I passed out that I had been sexually assaulted by this man,” sabi ni Dickinson sa ET.

“... Before I woke up in the morning, the last thing I remember was Bill Cosby in a patchwork robe, dropping his robe and getting on top of me. And I remember a lot of pain. The next morning I remember waking up with my pajamas off and there was semen in between my legs.”

Sinubukan niyang isulat ang pangyayari sa kanyang 2002 autobiography na pinamagatang No Lifeguard on Duty: The Accidental Life of the World’s First Supermodel, ngunit ng ito ay kanyang ipasa sa HarperCollins, pinilit siya ni Cosby at ng abogado nito na alisin ang nasabing detalye.

“I’m doing this because it’s the right thing to do, and it happened to me, and this is the true story,” sabi ni Dickinson. “I believe all the other women.”

Inamin niya na labis siyang nagdusa sa pagkimkim sa nangyari sa loob ng 32 taon.

“Stuffing feelings of rape and my unresolved issue with this incident has drove me into a life of trying to hurt myself because I didn’t have counsel and I was afraid,” lahad pa ni Dickinson. “I was afraid of the consequences. I was afraid of being labeled a whore or a slut and trying to sleep my way to the top of a career that never took place.” - Yahoo/ET